Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office na napanalunan ng mananaya mula sa Valenzuela City ng P5.9-milion jackpot mula sa Regular Lotto 6/42 draw.
Sinabi ni PCSO general manager Royina Garma na nahulaan ng nanalo ang six-digit winning combination na 26-05-42-32-15-19.
Makakatanggap naman ang 25 iba pang mananaya ng consolation prize na P24,000 kada isa matapos nilang mahulaan ang limang numero mula sa winning combination.
Ipinunto ni Garma na ang mananaya mula sa Valenzuela na ang ikatlong jackpot winner mula sa huling apat na draws ng Regular Lotto Game.
Matatandaan noong Sabado ay naging instant milyonaryo ang mananaya mula sa Parañaque City matapos nitong magwagi ng P32.9-million jackpot.
