CCG, hinarang at dinampot ang isang Taiwanese fishing vessel na may kargado na 6 na crew

Hinarang at dinampot ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard ang anim na Taiwanese sakay ng fishing vessel na Tachinman 88.

Malapit umano ito sa Kinmen archipelago at daungan ng China na kontroladong Taiwan.

Sinasabi na sumampa ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa bangkang sinasakyan ng mga Taiwanese at dinala ang mga ito sa mainland China.

Sinubukan ng Taiwan na magpakalat ng 3 barko para iligtas ang Tachinman 88 fishing vessel at nakalapit ang isang fishing boat ng mga ito ngunit hinarang naman ito ng CCG at sinabing huwag mangialam.

Kasabay nito ay ipinatigil na ng Taiwan ang pagsagip sa naturang fishing boat para maiwasan ang tensyon.

Panawagan naman ng Taiwan Coast Guard sa China na iwasang masangkot sa anumang political manipulation at iwasang masira ang cross trait relation at pakawalan agad ang Tanchinman ship.

Wala namang pahayag ang CCG kaugnay nito, ngunit may kinalaman umano ang tensiyon sa teritoryo ng Taiwan na inaangkin ng China. (BRIGADA NEWS INTERN- RAUVIC CIFRA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *