Stephen Curry, nagpaalam na sa kanyang Splash Brother 4 life na si Klay Thompson

Pinasalamatan ni Stephen Carry si Klay Thompson na naging matagal niyang katambal sa paglalaro sa Golden State Warriors.

Sa Instagram story ni Curry, makikita ang picture na kasama si Thompson na lubos siyang nagpapa-salamat sa kanyang katambal sa backcourt na naging kasama niya sa pagkapanalo ng apat na kampeonato sa NBA.

Sa ngayon si Thompson ay handa ng pumirma ng kontrata at maglaro sa Dallas Mavericks na makakasama niya ang All-Star guards na si Luka Doncic at Kyrie Irving.

Ang 6-foot-1 shooting guard na si klay na nagtala ng 41.3% three-point shooter at nag-average ng 19.6 puntos, 3.5 rebounds, at 2.3 assists bawat laro sa 793 games (742 starts) kasama ang Warriors.

Samantala, iniintay na lang ni Thompson ang kanyang retirement jersey na #11 sa isang Chase Center, kung saan siya makikisama sa mga dakilang Warriors, kabilang ang mga nagtulak sa kamakailang dinastiya na ito at kasama na din siya. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)