Bagama’t hindi umusbong ang relasyon ni Kris Aquino kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, naging masaya pa rin ang kanyang puso.
Sa panayam kasi nito kay Ogie Diaz, inamin na ni Kris na meron na siyang bagong boyfriend, at isa pa itong doktor.
Bagama’t hindi na nagbigay ng karagdagang detalye, marami pa ring kumalat na spekulasyon tungkol sa bagong love life ni Kris.
Napagalamang matagal na raw na doktor ni Kris ang bago niyang karelasyon, na nagta-trabaho sa isang sikat na ospital sa Makati City.
Hindi rin ito nagpatalo sa dating karelasyon ni Kris dahil ilang beses na umanong napuntahan ng doktor si Kris sa Amerika.
Ibinahagi din ng TV personality na baka magkaroon siya ng go-signal na bumalik sa Pilipinas bago mag-Pasko kung maging clear ang resulta ng kanyang mga paparating na tests.
