Isiniwalat ni Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Alan Cayetano na lumalabas sa kanilang pagrerebyu na mas marami pang kwestyonable tanong sa likod ng itinatayong New Senate Building.
Anya, lumilitaw kase na tila conservative pa ang P25 hanggang 27 bilyon na projected cost sa nasabing gusali.
Kasunod ito sa pagtanggap ng kanyang komite ng mas marami pang dokumento hinggil sa isinasagawa nilang rebyu.
Dahil dito, nanawagan siya sa dating chair ng komite na si Senadora Nancy Binay at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) maging sa Senate Coordinating Team (SCT) na magpakatotoo para mapabilis ang pagdedesisyon sa proyekto.
Ayon kay Cayetano, lumalabas din kase na tila ito na ang pinakamahal na gusali sa bansa kung kaya’t susubukan nilang makahanap ng remedyo.
Samantala, tiniyak naman niyang hindi siya magpapabahala sa inihaing ethics complaint ni Senadora Nancy Binay dahil sa di umano’y naging unparliamentary manner niya.