Nasa 100 pamilya – nawalan ng tirahan sa sunog sa Mandaue City, Cebu

Nawalan ng tirahan ang nasa isang daang mga pamilya matapos ang nangyaring malaking sunog sa isang residential area sa Sitio San Jose sa barangay Guizo sa lungsod ng Mandaue sa Cebu kahapon sa hapon.

Ayon kay Atty. Mitzi Abadia, ang head ng City Social Welfare and Services sa Mandaue na base sa kanilang talaan, mayroong apat na put apat na mga bahay na naabo ng sunog.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Inihayag ng Mandaue City Fire Station, na ang sunog nagsimula sa bahay ni Grace Marfa na kasalukuyang tinitirhan ni Malou Marfa.

Patuloy pa na ini-imbestigahan ng mga bombero ang pinagmulan ng sunog na nag-iwan ng P425,000 nga danyos.

Sa ngayon, ang mga nabiktima ng sunog ay pansamantalang nanunuluyan sa Guizo Elementary School.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nagbigay na rin ang CSWS ng disaster kits sa 393 na mga inibidwal kasama na ang iba pang tulong na magagamit ang mga fire victims mtulad na lang ng mga banig, kumot, mga dapit at hygiene kit.

Ang social welfare office na rin ang nagbibigay ng pagkain ng mga nasunugan sa loob ng tatlong araw. (with reports from AIRES ATUEL-DEPOSITARIO – 90.7 BNFM CEBU)