Tumaas pa sa 23 thousand ang bilang ng mga pulis na idedeploy para magbigay ng seguridad sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.
Ayon kay NCRPO Chief at Task Force-SONA Commander MGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang karagdagang pulis ay manggagaling sa Police Regional Office Calabarazon at Police Regional Office Central Luzon.
Ayon kay MGen. Nartatez , nais nilang maging “seamless” , “smooth” at “peaceful” ang SONA sa Lunes.
Ito rin ang tugon ni Nartatez sa pahayag ng isang grupo na overkill at biggest inconvenience ang bilang ng itatalagang pulis sa SONA.
Sabi ng NCRPO Chief, gagamitin nila ang lahat ng kanilang resources kabilang ang manpower, logistics at finances upang matiyak ang mapayapang SONA na dahil ito’y isang major event.
Bukod kasi sa ibibigay na seguridad sa Pangulo , kabilang din sa bibigyan ng seguridad ang nasa 2 thousand pang mga bisita kabilang ang mga diplomats na inaasahang magtutungo sa Batasang Pambansa.
Magdedeploy din ng police fore para matiyak ang mapayapang mga aktibidad na isasagawa ang malaking bilang ng mga miyembro ng militanteng grupo.
Ilalagay sa full alert status ang NCRPO sa darating na Linggo.
Wala pa rin namomonitor na banta sa papalapit na SONA.