BNFM BICOL – Naaresto ng Catanduanes Police Provincial Office ang mga sangkot sa ilegal na droga sa pamamagitan ng kanilang matagumpay na buy-bust opretaion na kung saan nakumpiska nila ang 32.057 gramo ng shabu na may street value na aabot sa 217,986.60.
Bukod sa operasyon kontra droga, naging matagumpay din ang kanilang hakbang laban sa ilegal na pangingisda. Sa isang operasyon, naaresto ang isang indibidwal na nasangkot sa ilegal na gawain. Nakapag-isyu ang mga pulis ng 130 citation tickets sa mga lumabag sa batas trapiko at lokal na ordinansa. Umabot sa 1,281 ang mga nasita at binigyan ng babala, habang 130 ang pinagmulta.
Ang mga hakbang na ito ay nagpapakita ng determinasyon at masigasig na paglilingkod ng Catanduanes Police na sugpuin ang lahat ng uri ng krimen sa kanilang nasasakupan. ### Rumer Grant, Intern