BNFM Bicol- ARESTADO sa 1st half operations ng Philippine National Police (PNP) Bicol ang 2,590 wanted persons at 77 miyembro ng New People’s Army (NPA) kung saan 11 dito ay tinuturing na high-profile na mayroong patong sa ulo, 601 ang most wanted, at ang nalalabing 1,978 ay nakalista bilang wanted persons.
Nahuli ang mga ito sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon na pinangungunahan ng Camarines Sur na umabot sa 662 ang naaresto, sinundan ng Albay na may 463, at Masbate na may 419.
Sa kaugnay nito, kasamang naaresto ang 77 miyembro ng NPA, habang sumuko ang 88, at siyam ang neutralized sa kabuaan ng mga operasyong isinagawa.
Isasailalim naman ang mga sumukong NPA sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kung saan makakatanggap ang mga ito ng pinansyal na tulong at livelihood training para sa pagbabalik ng mga ito sa lipunan.
Samantala, kumpiskado ang 110 assorted firearms at 129 na explosives sa pinagsamang half-year operations ng ahensya. # # # Nico Merciales, Intern
Photo for illustration, taken from Web