DSWD namahagi ng mahigit P6 million sa mga nasunugan sa Bicol

BNFM BICOL – NAMAHAGI ng P6.6 million na cash at in-kind assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga nasunugan sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon simula Enero hanggang nitong Hunyo 2024.

Sa pahayag ni DSWD-5 Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program Focal Person, Jastine Joy Escuro, nakatanggap ang mga biktima ng cash relief assistance na nagkakahalagang P2.6 million, P2.4 million na halaga ng mga food at non-food items, at P1.6 million na halaga ng Sustainable Livelihood Program.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sinabi rin ni Escuro na tinatayang 284 na pamilya ang naging benepisyaryo sa pamamagitan ng kanilang mga programa kung saan 90 rito ay mga stall owners mula sa Iriga City Public Market sa Camarines Sur, at ang ibang napamahagian naman ay galing sa Masbate, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, at Catanduanes.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala ayon naman kay DSWD Bicol Regional Director Norman S. Laurio, layunin ng mga programa ng DSWD sa Crisis Intervention Section and Disaster Response Management Division na tulungan at mapagaan ang mga paghihirap ng mga nangangailangang tao at komunindad na naapektuhan ng iba’t-ibang sakuna. # # # Pauline Manga, Intern

Photo Courtesy of DSWD BICOL FACEBOOK PAGE