Carpio, pinag-iingat si PBBM sa pagbitiw ng salita sa WPS

Pinayuhan ni Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na maging maingat sa pagbitaw ng pahayag hinggil sa WPS.

Kasunod ito pagpapadala ng note verbale ng Pilipinas sa Chinese Embassy, binanggit ng Pangulo na nagkakaroon ng “gray area” dahil iginigiit ng China na pagmamay-ari nila ang Ayungin.

Ayon kay Carpio, walang ‘gray area’ dahil may ruling na sa ilalim ng Hague Tribunal noong 2016 na pinapawalang bisa ang historical claims ng China, at pumapabor sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Aniya, dapat mag dahan-dahan ang Presidente sa pagpapahayag tungkol sa isyu kasi maaaring malilito ang mga kaalyadong bansa dahil ang alam nila ideneklara na ng tribunal na bahagi ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *