Caritas Philippines, nanawagan sa korte suprema na protektahan ang pondo ng Philhealth

Suportado ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang petisyon para protektahan ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH na isinampa sa Korte Suprema kamakailan.

Ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, presidente ng Caritas Philippines, tutol sila sa paggamit ng pondo ng Philhealth para sa mga umano’y hindi planadong alokasyon dahil sa pangambang mauwi sa maling paggamit nito gayundin ang posibilidad ng korapsyon.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Binigyang diin ni Bishop Bagaforo na ang naturang pondo ay mula sa mga kontribusyon ng milyon-milyonh pilipino at marapat na gamitin sa serbisyong pangkalusugan para sa mga miyembro nito lalo na sa mga matatanda, mahihirap, at mga nasa laylayan ng lipunan.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Nanawagan sila korte suprema na ipatuoad ang mga prinsipyo ng 2019 Universal Healthcare Law at protektahan ang karapatan ng bawat Pilipino sa kalusugan sa pamamagitan ng pagpabor sa petisyon.