Ininspeksyon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang mga nasabat na agricultural products isang warehouse sa Navotas.
Ito ay matapos madiskubre noong sabado sa naturang warehouse ang nasa 300 tonelada ng smuggled na gulay kabilang ang sibuyas, carrots, kamatis at iba pang gulay at produkto.
Ayon sa kalihim, mapanganib sa kalusugan at kaligtasan ng mamamayan ang mga produktong ipinupuslit sa bansa.
Aniya, isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nalulugi ang mga magsasaka.
Ayon naman kay Glenn Panganiban, Director ng Bureau of Plant Industry, isasailalim muna sa testing ang nasabat na mga gulay at produkto kung safe ito kainin.