Camarines Norte pinakamababa ang accomplishment sa MR OPV SIA 2023 sa buong Bicol Region

CAMARINES NORTE- Pinakamababa ang lalawigan ng Camarines Norte sa anim na probinsiya sa Bicol pagdating sa accomplishment sa Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity o MR OPV SIA 2023 na magtatapos na ngayong araw.

Batay sa Partial and Unofficial Quick Count ng Department of Health Bicol as of May 30, 7AM, nasa 46, 363 ang over-all accomplishment ng lalawigan o ang mga batang nabakunahan kontra Measles at Rubella o 71. 06 %.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Bigo ang lalawigan na maabot ang 95 % na target sa ika-apat na linggo ng bakunahan.

Wala ring ni isang bayan sa lalawigan ang umabot sa 90 %.

Ang nakapagtala sa ngayon ng pinakamataas na accomplishment ay ang Jose Panganiban na mayroong 80.41 %.

Sinusundan ito ng Basud na may 72.50 %, Labo 72.23 %, Mercedes 70.92 % at pasok din sa top 5 ang Talisay na may 70.30 %.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nakapagtala naman ng 70.07 % ang Paracale, Daet 69.46%, Vinzons 68.57%, San Vicente 68. 26%, Sta Elena 67. 09 %, San Lorenzo Ruiz 66. 14 %.

Pinakamababa ang accomplishment sa Capalonga na nasa 66.03 % lang.

Umaabot naman sa 18,879 ang nananatiling unvaccinated, 231 ang deferred at 77 ang refusal.

Walang datos ang DOH sa Oral Polio Vaccine dahil mayroon lang mga lugar na binigyang prioridad.