Bagong Pinuno ng 9th Infantry Battalion, pormal nang umupo sa pwesto

CAMARINES NORTE- Pormal nang umupo sa puwesto bilang Acting Commanding Officer ng 9th Infantry Battalion si LTC DENNIS SANTOS kapalit ni LTC CLETO LELINA JR.

Nagpasalamat ang bagong talagang pinuno na si LTC SANTOS bilang Incoming Acting Commanding Officer kay MGEN BAJAO sa tiwalang ibinigay umano sa kanya upang pamunuan ang 9th Infantry Battalion, ipagpapatuloy umano niya ang magandang nasimulan at hindi sasayangin ang pagkakataong ibinigay upang makatulong sa pagsugpo ng insurhensiya tungo sa pangmatagalang kapayapaan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Samantala, sa mensahe naman ni LTC LELINA bilang Outgoing Commanding Officer, pinasalamatan niya ang kasundaluhan ng 9th Infantry Battalion at mga taong nagtiwala at naging bahagi ng kanyang matagumpay na panunungkulan.

Inisa-isa niya rin ang mga Supportive Stakeholders na sumuporta at dumalo’t naging bahagi sa pagpapagaan at pagsakatuparan ng mga misyon sa buong probinsya Camarines Norte.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kaugnay nito, mainit namang tinanggap ng 9th Infantry Battalion troopers si MGEN ADONIS BAJAO, Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at Joint Taskforce Bicolandia bilang panauhing pandangal sa isinagawang Change of Command Ceremony nito lamang ika-23 ng Mayo 2023 sa Headquarters ng 9th Infantry Battalion, Brgy. Kabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte.