Paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat delikado pa rin kahit wala nang nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nag abiso ang Philippine Coast Guard na hindi pa rin dapat maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat kahit wala nang nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa Notice to Mariners na ipinalabas ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Commander ng Camarines Norte Coast Guard Station nitong Martes, May 30, may nakataas pa rin kasing gale warning ang Pagasa dahil sa northeast monsoon na nakakaapekto sa eastern seaboards ng Luzon kasama na ang lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Dahil dito nagpatupad pa rin ng temporary suspension of voyage ang Coast Guard sa mga bangkang 250 GT pababa bilang proactive measures para maiwasan ang posibleng maritime incidents.

Alinsunod naman ito sa Guidelines sa Movement ng Motorboats/Vessels kapag walang weather bulletin sa isang lokalidad.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Papayagan naman daw ang paglalayag muli ng mga malilit na bangka kapag nagkaroon na ng improvement sa weather at sea condition.

Bagamat naging maganda ang lagay ng panahon sa lalawigan kahit napasailalim sa TCWS No.1 noong Lunes dahil sa bagyong Betty ay ramdam ang epekto ng bagyo sa karagatan.

Samantala, wala namang naiulat na nawawalang mangingisda sa lalawigan kasagsagan ng bagyo.