CAMARINES NORTE- Nasa 16 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng DOH Bciol kahapon sa lalawigan ng Camarines norte
Sa ipinalabas na case bulletin report ng kagawaran, ang mga bagong kaso ay nagmula sa bayan ng Daet na may 6, ang Talisay ay nakapagtala ng 4, Mercedes 2, at may tig-i-isang kaso ang bayan ng Capalonga, Labo, San Lorenzo ruiz at Sta. Elena
Wala namang naitalang bagong mga pasyente na gumaling sa sakit matapos na maitala ang nasa 142 recoveries sa loob ng 6 na araw na nagging dahilan upang umakyat sa 1,842 ang kabuuang bilang nito
Sa ngayon ang aktibong kaso ng sakit ay muling umakyat sa 1,034 sa naitalang 2, 975 total cases ng mga indibidwal na tinamaan ng mapanganib na virus
Nananatili naman sa 99 ang bilang ng mga nawalan ng buhay dahil sa sakit

