46 patay matapos masunog ang 13-storey building sa Taiwan

Patay ang 46 na tao habang marami ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang 13-storey tower block sa Kaohsiung Taiwan.

Ayon sa mga otoridad, inabot ng apat na oras bago naapula ang sunog habang umabot sa 79 na iba pa ang dinala sa ospital kabilang ang 14 na nasa kritikal na kondisyon.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sinasabi ding na-trapped ang karamihan sa mga nasawi at nasugatan sa pagitan ng 7th at 11th floor.

Inihayag ng mga nakatira sa kalapit na gusali na nakarinig sila ng tila pagsabog bago sumiklab ang sunog.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Napag-alaman din na maraming residente ng naturang gusali ang sinasabing may edad na at may disabilities Hindi pa malinaw ang dahilan ng sunog habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan.