Cagayan Valley Medical Center, nagbawas na ng covid-19 beds kasunod ng pagbaba ng bilang ng mga pasyente

Nagbawas na ng COVID-19 beds ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kasunod ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga pasyente sa naturang pagamutan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, kanyang kinumpirma na malaki ang naging pagbaba ng mga naidadalang pasyente sa kanilang pagamutan nitong buwan ng Nobyembre.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kung ikukumpara aniya sa mga nagdaang buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre ay umabot sa 300 COVID patients ang na-admit sa CVMC malayo sa kasalukuyang naka-admit ngayong buwan na nasa 75 cases lamang.

Malaking factor umano ang pagdating ng maraming suplay ng bakuna dahil naging mabilisan ang roll-out sa mga LGUs, RHU at district hospitals.

Ayon kay Dr. Baggao, nakatulong kasi ang bakuna upang hindi tamaan ng mas malalang sintomas at epekto ng COVID-19.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ngayon aniya ay nagbawas na sila ng COVID-19 beds sa ospital upang maakomoda ang non-COVID patients.

Sa katunayan aniya ay inalis na rin ang mga tent sa waiting area ng pagamutan na dating ginamit para sa mga pasyente na naghihintay ng available room.