BICOL – TINATAYANG aabot sa limandaang mga indibidwal ang naaresto habang mahigit isanlibong mga armas ang narekober sa mga ikinasang operasyon kontra loose fireams ng pulisya sa rehiyon sa unang linggo nitong buwan.
Base sa inilabas na datus ng PNP-Bicol, sa 504 na mga naaresto, 499 dito ang sibilyan, 10 goverment employees, isang sundalo at pulis.
Ayon kay PNP Bicol Regional Director PBGen. Jonnel Estomo, nasamsam ang mga ilegal na armas sa isinagawang serye ng mga police checkpoints at pinaigting na “Oplan Bakal,” “Oplan Sita,” at “Oplan Katok” campaigns.
Mas mataas din ang bilang loose firearms na narekober ngayong taon kumpara 431 firearms at 171 arrested individuals na nairehistro sa parehong peryodo noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng opisyal, ang pagtaas ng bilang ng mga nahuli at nasamsam na baril ay isa lamang umanong indikasyon ng mas pinaigting na kampanya ng PNP-Bicol at buong kooperasyon ng publiko.
Samantala, nananawagan ito sa lahat, partikular sa mga nagmamay ari ng baril na tiyakin ito ay may kaukulang papel at huwag bumili ng mga hindi lisesyadong armas na ngayon ay nagllipana na rin online.
At sa hulli ay nangakong mas lalo pang paiigtingin ang kanilang security operations gayundin ang kampanya kontra criminal gangs, loose firearms, insurhensya at iba pang uri ng kriminalidad lalo na ngayong papalapit na ang 2022 elections.