C-130 ng Air Force, nasa magandang kondisyon bago bumagsak sa Sulu ayon sa AFP

Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines na nasa “tip-top shape” ang C-130 aircraft ng Air Force bago ito bumagsak sa Sulu kung saan ay nasa mahigit 52 ang nasawi.

Iginiit rin ng AFP na seasoned at ekspiryensado ang mga piloto sa cockpit nang mangyari ang trahedya.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Iinihayag ito ni AFP spokesperson Major General Edgard Arevallo nang simulan ng mga otoridad ang imbestigasyon sa pagbagsak ng C-130 na nag-overshot umano sa runway.

Ayon kay Arevallo, hindi man brand new ang eroplano ay mahusay pa rin ang kondisyon nito.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Dagdag ni Arevalo, meron pang 11,000 flying hours na natitira sa nasabing eroplano bago ang susunod nitong maintenance.

Binigyang diin ni Arevalo na diterminado sila na malaman kung ano talaga ang naging sanhi ng trahedya dahil base sa available na impormasyon ay sumunod naman ang aircraft sa lahat ng protocols at nasa tip-top shape ito.