LEGAZPI CITY – Dumaong sa Albay Gulf ang BRP Tarlac LD 601 ng Philippine Navy upang ihatid ang mga medical supplies mula sa Department of Health (DOH).
Ilan sa mga ipinadala ay 2.4 tonelada ng facemask at mga gamot na ipapamahagi sa mga evacuees sa lalawigan.
Mayroon rin ang barko ng desalination process kung saan kaya nitong gawing maiinom na tubig ang tubig mula sa karagatan na may kapasidad na makapagproseso ng 16,000 litro bawat araw.
Mananatili ito sa golpo ng Albay ng ilang araw upang rumesponde kapag lumala ang sitwasyon ng bulkang Mayon.
Sa ngayon, nakahanda naman umanong tumulong ang Philippine Navy kung ano pa ang mga maaari nilang maiserbisyo.