Brigada Eskwela Kick Off Ceremony, hudyat sa kahandaan ng mga paaralan para sa F2F classes – DepEd Legazpi

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) Legazpi na isang hudyat ang ginawang kick off ceremony ng Brigada Eskwela tungo sa kahandaan ng mga paaralan para sa darating na face-to-face classes sa Agosto 22.

Ayon sa School Division Superintendent ng DepEd Legazpi na si Cristituto Morcilla, naging challenging umano sakanila noong magkaroon ng pandemya dahil walang training ang mga guro sa pagtuturo online, kung kaya’t ang ginawa ng kagawaran ay magtrain ng mga guro sa online teaching at sa paggamit ng mga modules.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa niya, hindi tumitigil ang Brigada Eskwela sapagkat ang layunin nito ay makatulog sa mga paaralan, guro, mag-aaral at iba pa.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Labis naman ang pagpapasalamat ni Morcilla sa Local Government Units (LGUs) sa pagbigay nila ng labing-isang risograph machines, at pagbili ng laptops at tablets para sa mga guro.

Gayundin naman, lubos ang kanyang pagpapasalamat sa mga tao sa Legazpi dahil sa pagiging bukas-palad ng mga ito.