Dalagita, patay matapos maaksidente sa kanyang sinasakyan sa Legazpi City

Patay ang 18-anyos na dalagita matapos maaksidente sa kanyang sinasakyan na fortuner noong Linggo nang madaling araw sa Washington Drive, Legazpi City habang ang dalawa nitong kasamahan ay sugatan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Sophia Manzanades, habang sugatan naman ang dalawang kasama nito sa nangyaring aksidente.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa inisyal na imbestigasyon ng Legazpi PNP, galing sa Aquende Drive ang nasabing sasakyan at papunta sana itong Airport Road nang bigla itong magswerve sa kabilang kalsada na naging dahilan ng kanilang aksidente.

Ayon sa report, tinamaan pa raw nito ang gutter at garden box at bumangga sa light post at sa nakaparadang motorsiklo bago tumaob.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nadala pa sana ospital ang mga pasahero ng Fortuner ngunit binawian ng buhay ang biktima na lulan ng naturang sasakyan.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon at hindi pa malinaw kung sino ang nagmamaneho sa sasakyan na may tatlong sakay.