Bridesmaid hindi nakadalo sa kasal nagpadala ng wedding speech via Hologram

Dahil sa travel restriction dala ng COVID-19, isang bridesmaid ang hindi nakadalo sa kasal ng kanyang bestfriend.

Subalit sa kabila nang pangyayari hindi ito naging hadlang kay Sarah Redington para maibigay ang kanyang wedding speech sa kasal ng kanyang matalik na kaibigan na si Brittany Smith kay Jeffrey Gallant na ginanap sa Kurtz Orchards sa Nigara, Ontario Canada.

Nagmistulang eksena ni Princess Leia sa pelikulang Star Wars ang ginawa ni Sarah matapos magbigay ng kanyang speech habang hawak ang baso ng champagne sa pamamagitan ng hologram.

Samantala, hindi naman tinukoy kung magkano ang nasabing hologram.

Una nang nakaplano ang kasal noong May 29 subalit dahil sa coronavirus ito ay naurong nitong nakaraang Aug 14. Gayunpaman, sa paraang nobela sinupresa ng groom ang kanyang bride.

Ayon sa Groom, wala silang naging ideya umano patungkol sa hologram, kaya naman napa-wow umano ang Groom at Bride sa kanilang wedding reception.

Sa isang green screen ginanap ni Redington ang nasabing hologram kasabay ang paghatid ng isang masayang pagtoast at ang live chat nito sa kanyang matalik na kaibigan. (VANESSA FERNANDEZ – BRIGADA INTERN)