Boxing: Casimero, makakaharap si Japan’s Akaho sa Dec. 3

Inanunsyo ni dating WBO bantamweight champion John Riel Casimero na nakatakda siyang lumaban kay veteran Japanese boxer Ryo Akaho sa Dec. 3.

Matatandaan na ang huling laban ni Casimero ay noon pang Aug. 2021 nang matalo nito si Guillermo Rigondeaux.

Read More:  Fuel Masters outlast Bolts to close in on quarterfinal berth

Mababatid na dedepensahan sana ng hard-hitting Ormoc native ang kanyang WBO crown laban kay mandatory challenger Paul Butler, pero may issues sa kanyang weigh-in na nag-udyok para tanggalan siya ng WBO title.

Read More:  Carlos Yulo to lead PH Gymnastics Team at World Championships

Samantala, si Akaho ay beterano na na mayroong 39 wins, 2 defeats at 26 KOs.