PBA: Cone, napahanga ni Jamie Malonzo sa kanyang debut sa Ginebra

Nakakita ng positibong side si Barangay Ginebra coach Tim Cone sa kabila ng kanilang blow-out defeat sa Rain or Shine noong Miyerkules.

Isa na dito ay ang pagpapakitang gilas ng bago nilang acquisition na si Jamie Malonzo, kung anu ang magagawa niya para sa Gin Kings, bagay na hinangaan ni Cone.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Si Malonzo kasi ang nanguna sa lahat ng Ginebra locals sa scoring na mayroong 14 points to go, 8 rebounds, 3 assists at 3 block shots.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Ang naturang bilang ay mahalaga, lalo halos isang linggo palang umano itong kasama ng Ginebra, bago magsimula ang conference.