Itinanggi ni Barbie Imperial na siya umano ang dahilan sa paghihiwalay nina Carlo Aquino at nobya nitong si Trina Candaza.
Sa kanyang pinakabagong vlog, binasa ni Imperial ang ilan sa mga hindi magagandang komento tungkol sa kanya.
Paglilinaw nii Imperial na kamakailan lang sila gumawa ng pelikula ni Aquino, na hiwalay na kay Candaza noon pang nakaraang taon.
Matatandaan na noong Mayo, ibinahagi nina Imperial at Aquino na magsasama sila sa pelikula.
Tanong tuloy ng aktres, na bakit gigil na gigil ang mga tao na maging kabit siya, na parang bawat may naghihiwalay na relasyon ay siya umano ang sinisisi, pero wala namang proof.
Inamin naman nito na naapektuhan pa rin siya sa tuwing makakabasa ng mga pambabatikos.
