Inihayag ni vice presidential aspirant at senator Christopher “Bong” Go na handa siyang makipagtrabaho sa susunod na pangulo, sinuman ang piliin ng mga Pilipino, para makabuo ng mga bagong trabaho at malawak pa lalo ang infrastructure development ng bansa, upang mabawasan ang kahirapan at gutom, habang pinapaganda rin ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga underserved communities.
Sa paghahain ni Go ng kanyang Certificate of Candidacy noong October 2, binigyang diin nito ang pangangailangan ng continuity sa 2022 para makagbigay ng matibay na pundasyon para sa recovery ng bansa at makapagtayo ng mas sustainable, inclusive, at resilient economy matapos ang COVID-19 pandemic.
“It is with humility that I submit to the Filipino people my candidacy for Vice President in the coming elections. I have done this after much discernment and reflection because I want to continue the programs and meaningful changes that President Rodrigo Duterte started as well as improve on them,” saad ni Go.
“I promise to be a working Vice President who will do all I can to serve you. I am not going to be a spare tire or glorified reserve … I will carry the President’s principles and political will with me so that we can continue the good journey we started in 2016,” giit nito.
Kaugnay nito, muling pinanindigan ng senador ang kanyang commitment sa krusada ng pangulo laban sa ilegal na droga, krimen at korapsyon.
Nangako rin ito na isusulong ang pagpapatuloy sa mga programa at proyekto, gaya ng “Build, Build, Build” at Malasakit Centers programs, na magbibigay ng mas magaan, komportable at maginhawang buhay para sa lahat ng mga Pilipino.
