Bohol, nasa state of calamity dahil sa patuloy na pagtaas ng kasong may Dengue

Ideneklara ng pamahalaang panlalawigan ng Bohol ang state of calamity nito dahil sa tumataas na kaso ng dengue sa lalawigan.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, umabot na sa 5,839 ang kaso ng dengue mula Enero hanggang Agosto 24, 2024 na may 14 na kaso na ang namamatay.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Bukod rito, naipamahagi naman ang mga supply ng intravenous fluids at NS1 kits sa 10 government-managed hospitals sa iba’t ibang lokasyon sa lugar.

Ang NS1 ay nakakakita ng “non-structural protein 1 or NS1 ng dengue virus”.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Samantala, kasunod sa nasabing deklarasyon ukol sa state of calamity, hinihimok ang mga residente ng Bohol na agad magsagawa ng regular na paglilinis o humingi ng medikal na konsultasyon kung may mga nararanasan ng sintomas ng dengue.