Diskusyon ukol sa patong-patong na kaso ni Alice Guo, hindi posibleng maging state witness

Patong-patong na kaso ng dating alkalde na si Mayor Alice Guo hindi posibleng maging state witness dahil sa iba’t ibang krimen na ibinibintang sa kanya.

Kung matatandaan kasi si Guo ay nahaharap sa kasong graft, money laundering, at human trafficking na may kaugnayan sa mga operasyon ng ilegal na pagsusugal sa Bamban, Tarlac.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Ayon sa Republic Act No. 6981, ang isang akusado na gustong maging state witness ay hindi dapat magmukhang pinaka-guilty at dapat mayroong “absolute necessity” para sa kanilang testimonya.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Raul Vasquez, kung gugustuhin man na maging state witness ay dapat matibay ang hawak na ebidensya nito at mapatunayan ito sa korte.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Dagdag pa ni Vasquez, dapat ay walang ibang direktang ebidensya na magagamit para sa wastong pag-uusig sa nagawang pagkakasala.

Dahil ang akusado ay hindi dapat nahatulan ng anumang krimen na may kinalaman sa moral turpitude.