Apollo Quiboloy at 4 pang kapwa akusado nito, nasa kustodiya na ng PNP

Nakakulong na sa PNP Custodial Facility sa Kampo Crame si Apollo Quiboloy.

Bukod kay Quiboloy, hawak na rin ng PNP ang apat pang kapwa akusado nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nakuha nila ang kustodiya ng lima alas 5:30 ng hapon.

Alas 6:30 ng gabi nang ilipad ang mga ito pa Maynila mula Davao City sakay ng C130 aircraft. Nakarating sina Quiboloy sa Custodial Facility dakong 9:10 ng gabi.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Agad na isinilbi ang warrants of arrest sa mga kasong Child Abuse, Sexual Abuse, at Qualified Trafficking.

Pagkatapos nito ay sumailalim sila sa booking process kasama ang mugshot at pagkuha ng finger print.

Natapos na rin ang physical at medical examination at nasa maayos naman umano ang kanilang kondisyon.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sinabi ni Col. Fajardo, bandang ala 1:30 ng hapon nang magkaroon ng negosasyon sa mapayapa nilang pagsuko matapos bigyan ng 24 oras na ultimatum.

Kung hindi, ay papasukin nila ang isang gusali na hindi pinapayagang makapasok ang PNP. Bukod sa PNP, kasama sa negosasyon ang Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines.

Kinumpirma rin ni Fajardo, na sa loob ng Kingdom of Jesus Christ Compound sumuko ang lima. Ngayong araw ay ibabalik ng pulisya ang mga warrants of arrest mula sa mga korte.