Boeing sasagutin ang compensatory damages sa pamilya ng mga nasawi sa Ethiopian crash

Tiniyak ng Boeing na sasagutin nila ang compensatory damages sa lawsuit na isinampa ng 157 pamilya ng mga nasawi sa 2019 Ethiopian Arilines 737 Max crash.

Ito ang kinumpirma ng US District Court sa Chicago.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Bilang resulta ng kasunduan sa pagitan ng Boeing at ng pamilya ng mga nasawi, hindi na hihingi ng punitive damages ang mga pamilya habang hindi na sasagutin ng kaso ng Boeing ang isinampang mga kaso sa kanila sa Illinois.

Tiniyak ng Boeing sa mga pamilya ng mga nasawi na fully at fairly compensated ang mga ito sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Dahil sa kasunduan, sesentro na ngayon ang usapin ng mga partido sa tamang compensation sa bawat pamilyang namatayan.

Itinakda ng korte ang susunod na hearing para talakayin ang kasunduan.