Robredo, nanindigan na dapat mabuwag ang NTF-ELCAC

Nanindigan si Vice President Leni Robredo ang kaniyang panawagan na dapat ay mabuwag ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sinabi ni Robredo sa isang press briefing sa Batangas na dinu-duplicate lamang ng task force ang functions na meron na ang ibang mga ahensya.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Dagdag ng Bise, maganda naman ang intensyon ng anti-insurgency task force.

Pero ayon sa Pangalawang Pangulo, pwedeng mauwi sa harassment balang araw ang pagbibigay ng sobra-sobrang kapangyarihan na mula sa gobyerno.

Naniniwala naman si Robredo na mas makabubuti kung gagamitin na lamang ang pondo ng NTF-ELCAC bilang suporta sa health care workers na nasa frontline ng COVID-19 response.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Matatandaan na isiniwalat ni Senator Sonny Angara sa deliberasyon sa Senado na nasa 26 lamang  mula sa 2,318 proyekto na pinondohan ng NTF-ELCAC gamit ang P16.4-billion Barangay Development Fund ang nakumpleto.