Bumaba na sa mahigit dalawampu ang bilang ngayon ng aktibong kaso ng corona virus disease sa lungsod ng Olongapo.
Sa November 10 data ng Local Inter-Agency Taskforce Against Covid-19, dalawampu’t pito na lamang ang active cases mula sa 5,444 na confirmed cases nito habang 5,104 ang nakarekober na at 311 ang pumanaw.
Ito ay matapos na tumaas na ang bilang ng mga nagpapabakuna kabilang na dito ang mga fully vaccinated na umabot na ng 60,345.
Matatandaan na dahil sa pagbaba ng mga kaso sa syudad ay niluwagan na rin ang mga ipinatutupad na restriction.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
