Bishop Alarcon may paalala sa mga botante sa pagpili ng mga kandidato ngayong Halalan

CAMARINES NORTE- Pinag- iingat ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang lahat sa aniya’y mga lider na mapagkunwari.

Sa kaniyang homily sa kapistahan  ni San Jose de Camarines Norte kahapon, sinabi ng Obispo na mayroong kunwari ay gumagawa ng kabutihan pero mas malaki pala ang nagagawang damage sa pinaglilingkuran..

Mayroon aniyang nagbibigay ng regalo at pagkain pero mas malaki daw pala ang kinukupit.

Nangyayari umano ang bagay na ito maging sa loob ng pamilya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon kay Alarcon ang totoong pagmamahal ay hindi lang basta pagbibigay ng mga regalo kundi ang paglalaan ng oras sa minamahal.

Ang kabaliktaran aniya ng pagmamahal ay ang kawalang pakialam sa kapwa.

“Let us be wary of this kind of leaders and let us also check on ourselves sapagkat pagbabalatkayo, kunwari binibigyan ng regalo pero mas malaki pala ang tinatago sa bulsa, kunwari gumagawa ng kabutihan pero mas malaki pala ang damage na ginagawa sa mga pinaglilingkuran, ito ay balatkayo lamang, ito ay pakitang tao lamang at maaari din itong mangyari sa atin.”

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

At ilang araw bago ang Halalan  ay nag iwan din ng katanungan ang Obispo sa mga dumadalo sa misa kung sino ba raw ba ang pipiliin, yun bang nangangako lamang o yaung tunay na tumutugon at isinasagawa ang kanilang pangako.

Bago matapos ang misa ay muling nagpaalala ang Obispo na pumili ng maayos at mabuti para na rin sa kinabukasan ng bansa.

Hinimok din nito ang bawat isa na magdasal at magbantay para sa mapayapang halalan.