Karagdadang P1,000 increase pensyon hindi pa masabi ng SSS kung kalian maibibigay

CAMARINES NORTE- Wala pa umanong balita kung kailan maibibigay ang isang libong karagdagang increase sa pension ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS).

Tugon ito ni SSS Daet Branch Head Engr. Ermina Maria Robredo nang muling matanong ng Brigada News FM noong nakaraang linggo.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon sa opisyal, wala pang ipinapalabas na bagong update ukol dito sa gitna na rin ng matagal- tagal nang paghihintay ng mga pensyonado na umaasa sa naipangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawang buwan na lang ay magtatapos na ang termino.

Kung maalala ay dati nang inihayag ng pamunuan ng SSS noong mga nagdaang taon na hindi sapat ang kasalukuyang pondo para sa additional pension.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sinasabing mababawasan ang Fund Life ng SSS bagay na ikinadismaya naman ng mga nakatatandang kakarampot ang tinatanggap na pensyon na lubhang kailangan lalo na ngayong nasa gitna pa rin ang bansa ng krisis na dulot ng pandemya.