Minimum wage sa sweldo sa Bicol Region inaasahan mayroon ng pagbabago sa darating na hunyo ngayong taon

LEGAZPI CITY – Pinag-uusapan pa rin hanggang sa ngayon sa Bicol Region ng mga business sektor at mga manggagawa ang minimum wage increase.

Tiniyak ni Regional Director Ma. Zenaida Campita, Ceso III ng Department of Labor and Employement (DOLE) Bicol, na mayroon nang paggalaw o pagbabago sa minimum wage sa sweldo sa buwan ng Hunyo.

Inihalimbawa nito ang Naga City at lalawigan ng Albay na may mga umapela umano ang iilan na sektor o negosyo na kailangan mayroong dagdag na sahod o wala.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Umaabot sa P200 ang hinihinging increase na sahod sa Naga City at may petisyon rin sa Nasyunal  na dapat ang matatanggap na manggagawa ay P750 sa bawat araw.

May iilan rin na nasa P60 lamang ang increase at may mga nagsasabi rin umano na walang dagdag na sahod.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Magdedepende kasi ito sa employer kung mayroong dagdag dahil sa mga negosyo ang sobrang naapektohan ng dahil sa pandemya.

Karamihan sa mga ito ay nagsara rin ang negosyo o nagbawas ng mga empleyado.

Samantala, sa ngayon walang pang final na inilalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol patungkol sa minimum wage ng mga mangagawa sa Rehiyon.