BIR- RDO 64 hinimok ang publiko na gamitin ang bagong launch na “Chatbot Revie” para sa mga transaksyon

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko na gamitin ang bagong inilunsad na Chatbot online application na tinawag na “Revie”.

Ayon kay Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon ang Chatbox ay makikita sa pagbukas ng website na magsisilbing gabay  sa mga taxpayer at matulungan ang mga itong masagot ang mga pangunahing katanungan.

Kabilang sa mga tinutugunan ng Chatbox ay ang mga katanungang may kaugnayan sa registration requirements, eServices, BIR forms, zonal value, Tax Identification Number (TIN) at iba pa.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang Chatbot Revie ay magbibigay sa mga taxpayers ng agaran at tamang tax information o feedback na hindi na kailangang maghintay ng matagal na reply dahil available ito sa lahat ng oras.

Karagdagan din itong platform upang madaling maabot ng mga taxpayer ang BIR lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols partikular sa RDO 64 sa bayan ng Talisay.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Mababatid na ilang buwan nang mahigpit ang implementasyon ng health protocols sa naturang opisina kung saan limitado lang ang nakakapasok.