Pagpayag na makalabas na ang mga batang 5-taong gulang pataas, suportado ng OCTA

Suportado ng OCTA Reseach Group  ang pagpayag ng IATF na payagan nang makalabas  ng bahay ang mga batang  edad 5 pataas.

Sinabi ni  OCTA Fellow Dr.  Guido David na ito ay dahil  open space naman daw ang mga lugar na ipinapahintulot na maaari nang puntahan ng mga bata kasama ng  mga magulang.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Hindi naman inaalis ni David ang posibilidad na may mga batang mahahawa ng COVID-19 pero mababa lamang  ang tsansa.

Samantala, umaasa si David na maaabot na ang  20% na fully vaccinated sa National Capital Region pagdating  ng  Agosto.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Kinumpirma din ni David na improving  ang  COVID-19 response ng bansa kung saan bahagyang bumaba ang  trend ng infections.

Giit pa ni David, wala pa silang  nakikitang  community transmission ng  Delta variant sa bansa  na sinasabing  mas  nakakahawa kaysa sa mga naunang variant.