Go sa mga Pilipino: COVID-19 vax, free; Mga nagbebenta ng vaccine slots, fake vaccines, mananagot

Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga Pilipino na maging vigilant laban sa mga indibidwal na umano’y nagbebenta ng COVID-19 vaccines, vaccination slots, o ang mas malala — fake vaccines.

Paalala ni Go, ang mga bakuna na inilalabas ng gobyerno ay ipinamimigay nang libre.

Kaugnay nito, nagbabala ang senador sa mga perpetrators na inilalagay lang umano sa panganib ang kanilang buhay dahil sa ilegal na aktibidad, kung saan dapat umanong mapanagot ang mga ito, na sinasamantala ang vulnerabilities ng mga Pilipino sa gitna ng nagpapatuloy na health crisis.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

“Bawal po ‘yung for sale! Pinaghirapan po ito ng gobyerno, libre po ang bakuna na pinapamahagi sa tao,” giit ni Go.

“Halos araw-araw tayong nagpa-follow up para makakuha lang ng bakuna sa ibang bansa. Kaya hindi po ito binebenta. Libre po ito sa mga Pilipino,” dagdag nito.

At para matiyak na ang mga bakuna ay maayos na naipamamahagi, sinabi ni Go na inilalaan ng gobyerno ang mga ito sa critical areas maging sa far-flung communities, lalo na gaya sa Siargao Island.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

“Kaya nga po hinihikayat namin ang national government na iparating ‘yung mga bakuna sa pinakamalayong lugar, including Siargao,” pagbabahagi nito.

Matatandaan na noong July 1, naaresto ng National Bureau of Investigation ang isang nurse mula sa ospital sa Manila dahil sa pagbebenta ng COVID-19 vaccines.

Nang sumunod na araw, itinanggi ng lokal na pamahalaan ng naturang lungsod na ang COVID-19 doses na umano’y ibenebenta ay mula sa kanilang inventory.