Bilang ng nasawi sa pertussis – umakyat na sa 54; Mga na-infect, higit nang 1000

Umakyat na sa mahigit 1,000 kaso ang naitatalang pertussis sa bansa.

Ayon sa DOH, nakapagtala na sila ng kabuoang 1,112 na mga kaso ng naturang sakit simula noong Enero hanggang Marso.

Samantala, umabot naman sa 54 ang bilang ng mga namatay sa pertussis – na pawang mga bata na wala pang 5-taong gulang.

Nakitaan ng pagtaas sa bilang ng pertussis cases ang ilang rehiyon kabilang na ang Eastern Visayas, Cagayan Valley, Caraga, Central Luzon, at Cordillera Autonomous Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *