Drive thru ng ALECO, naging sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko

LEGAZPI CITY – Mabigat na daloy ng trapiko ang nararanasan sa harap ng Albay Electric Cooperative (ALECO) dahil sa Drive Thru para sa pagbabayad ng kuryente.

Paliwanag ni Anj Galero, tagapagsalita ng ALECO, nagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko kapag regular holiday o due date na ng member-consumers sa bill sa kuryente.

Sinabi pa ni Galero, kapag normal days naman ay wala silang gaanong naitatalang traffic kaya’t payo nito, maaaring gamitin ang options sa pagbayad ng bill sa kanilang partners tulad ng Union Bank, BDO, Bayad Center, GCash at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *