Magkahalong good news at warning para kay Department of Health Spokesperson Asec. Albert Domingo ang babala ng pagkaubos ng pertussis vaccine.
Ayon kay Domingo, dahil sa mga ganitong babala – masasabi niyang nakikinig ang mga Pilipino sa kanilang panawagan na magpabakuna laban sa naturang sakit.
Sa kasalukuyan, mayroon pa naman daw pertussis vaccine pero nalalapit na itong maubos.
Kaugnay nito, ipinag-utos aniya kay DOH Sec. Herbosa na tiyaking hindi mauubusan ng nasabing bakuna – dahilan para magbigay na ito ng babala hinggil posibleng pagkaubos nito.
Samantala, siniguro naman ni Domingo na may mga parating pang pertussis vaccine sa Hunyo.