Bilang ng nasawi dahil sa epekto ng Bagyo at Habagat sa bansa, umabot na sa 21 – PNP

Umakyat na sa 21 ang bilang ng nasawi dulot ng malakas na pag-ulang dala ng habagat at bagyo.

Ayon ito kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo.

Sa naturang bilang, 7 dito ay galing sa NCR,
3 sa Region 3
at 11 mula sa Region 4A

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Pagkalunod ang dahilan sa pagkasawi ng karamihan sa mga biktima.

Sinabi rin ni Fajardo na 15 ang naitalang sugatan at 5 ang nawawala

Samantala, sinabi naman ng NDRRMC na ang datos ng PNP ay dadaan muna sa beripikasyon.

Samantala , ayon sa NDRRMC lumobo pa sa mahigit 1 milyon ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng sama ng panahon mula sa 16 na rehiyon sa bansa.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Mahigit 51 thousand individuals o katumbas ng 12 thousnad families ang nananatili sa mga evacutaion centerns

Posibleng tumaas pa ang datos dahil patuloy pang kumakalap ng impormasyon ang mga disaster risk reduction and management offices.