Dalawang sundalo ng 5ID na sugatan, pinarangalan; labi ng isang nasawi, naiuwi na

Naiuwi na sa Enrile, Cagayan ang mga labi ng isang sundalong nasawi habang nagsasawaga ng checkpoint operation sa Barangay Pigatin, Salibo, Maguindanao Del Sur noong ika-22 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Batay sa ulat, habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang Makabayan Troopers ay pinaputukan sila ng hindi pa mabatid na bilang ng mga miyembro ng Local Terrorist Group kung saan tumagal pa ng apat na minuto ang palitan ng putok.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dahil dito, nasawi si Pvt. Rosendo Gannaban na tubong Enrile, Cagayan habang sugatan naman sina Sgt. Jomar Marin at PFc Lexter Lizardo.

Personal na nagtungo si MGen. Gulliver Señires sa 99th Infantry Battalion upang makita ang kalagayan ng mga sundalo ng 5ID at pagdating sa lugar ay binigyang pagkilala nito ang dalawang sugatang sundalo habang isinama naman nito pauwi ang mga labi ni Pvt. Gannaban.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Tiniyak naman ng opisyal na ibibigay sa pamilya ng nasawi ang mga dapat nitong benepisyo.