Brigada News FM Manila, namahagi ng tulong sa ilang residente ng Malabon na naapektuhan ng Bagyong Carina

Binisita at personal na pinaabutan ng Brigada News FM Manila ng tulong ang mga naapektuhan ng Bagyong Carina sa Malabon City.

Ayon sa ilang nakapanayam ng Brigada Team, malaking tulong para sa kanilang pamilya ang mga natanggap nilang relief lalo na’t medyo hirap pa silang makabangon mula sa naging epekto ng bagyo.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Samantala, masaya naman ang ilan sa mga evacuees dahil kahit papaano ay bumaba na ang tubig na pumasok sa kani-kanilang tirahan.

Kasunod nito, umaasa silang makabalik na sa kanilang tirahan at makatanggap ng karagdagang tulong mula sa pamahalaan sa kanilang pagbangon.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Sa naging pag-iikot ng team, lumalabas na nabawasan na o di kaya ay nawala na ng tuluyan ang mga baha sa ilang lugar ng Metro Manila.