Mga nabakunahan sa pediatric vaccination sa Legazpi City, nasa mahigit 500 na

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng City Health Office ng Legazpi na pumalo na sa mahigit 500 ang nababakunahan na Pediatric sa lungsod ng Legazpi.

Ayon kay Dr Fullbert Gillego, ang head ng CHO legazpi, umabot sa 561 ang nababakunahan na Pediatric na 5 hanggang 11 taong na bata.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Aniya, kokonti lng ang nababakunahan simula nitong lunes hanggang huebes ng Pebrero 24, 2022.

Dahil dito hindi umano makalabas labas ng kanilang tahanan ang mga batang magpapabakuna sa kadahilanan na rin ng sama ng panahon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dagdag pa nito wala pa umanong naitala o maereport na nagkaroon ng adverse reaction sa bakuna.

Sinabi ng opisyal, patuloy din ang kanilang ginagawang pagbabakuna sa legazpi city Convention center para sa mga pediatric.