DOLE Albay patuloy na nagsasagawa ng tupad orientation program sa mga workers beneficiaries sa mga barangay sa Polangui, Albay

Legazpi City- Patuloy parin na isinasagawa ang TUPAD program orientation ng Department of Labor and Employment (DOLE) Albay para sa mga workers beneficiaries sa mga Barangay sa bayan ng Polangui, Albay.

Ang orientation ay patungkol sa kaligtasan, kalusugan at tumanggap din ang bawat benepisyaryo ng personal protective equipment (PPE) bago pa magsimula ng trabaho.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Makakatangap ng minimum wage na P310.00 kada araw o P4,650 sa loob ng labing limang araw na community cleaning ang bawat workers-beneficiaries.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged Workers TUPAD ay isang short-term emergency employment ng DOLE na naglalayung matulungan ang mgaa manggagawa na mga nasa informal economy na naapektuhan ng kalamidad at pandemya.