Legazpi City- Dumalo ang ibat-ibang Local Disaster Risk Reduction and Management Council and pop Offices sa isinagawang Gawad KALASAG Orientation ng Office of Civil Defense Bicol.
Ang Gawad KALASAG o KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan ay isang pristeryosong parangal mula sa OCD para sa namumukod-tanging kontribusyon sa larangan ng disaster risk reduction and management at humanitarian assistance.
Ayon kay Claudio Yucot Regional Director ng OCD 5 Chairperson RDRRMC Bicol na ngayong taon magsasagawa ng full implementation ang rehiyon para sa Gawad KALASAG kung saan kasama na sa validator ang mga kawani mula sa nasyonal office ng ahensya.
Tinalakay sa programa ang mga alituntunin ng nasabing parangal na planong makamit Layon ng ahensya na makamit ito dahil hindi lamang ito isang karangalan kundi para narin makamit ang mataas nakalidad na serbisyo ng mga LGUs.